Linggo, Nobyembre 2, 2008

PERA PALA ANG DAHILAN

Halos mag-iisang taon na ang nakakalipas nang ako ay magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa isang tao. Noong una buong akala ko ay ako ang may pagkukulang. Subalit habang lumilipas ang araw ay may mga bagay na unti-unting lumilinaw sa aking pang-unawa.

Ang nakaraan... magdiriwang ang aking kaibigan ng kanyang kaarawan na nagtratrabaho sa ibang bansa na nagbakasyon para dito mag-celebrate. Alam nyang maikli lang ang timeframe para sa preparations. Kaya nagpasya siya na ang isang kaibigan na lang namin ang mamahala sa pagkain. Tinanong nya ito kung magkano ang budget (walang bayad ang service kasi kaibigan) at nagkasundo sila. Nalaman ng hipag ng aking kaibigan ang plano nito at sumama ang kanyang loob dahil hindi siya pinamahala ng BUDGET. AKO ang pinagbuntunan ng galit ng kanyang hipag dahil sinulsulan ko daw ang aking kaibigan dahil makikinabang daw ako. At simula noon ay di na ako kinibo ng magaling na hipag.

Ilang araw ang lumipas nagkaroon ako ng problema sa school na pinapasukan ng aking anak. Pumunta ako sa school upang ayusin ang problema doon. Nagkausap kami ng PRINCIPAL at ng ADVISER ng aking anak at nagkasundo naman kami. Ang buong akala ko ay tapos na.

BIRTHDAY na ng kaibigan ko... emote ang hipag super SUGAL sa kapitbahay at daldal to death na bahala na daw kami ng kaibigan ko sa buhay namin. WALA DAW SYANG PAKIALAM may pera naman daw sya. Sa madaling salita, habang nagkakagulo kami sa preparations may tao palang nagmamaktol dahil HINDI SIYA ANG HUMAWAK NG BUDGET.

Ilang araw makalipas ang birthday ng kaibigan ko... buhat sa school ay nasalubong ko ang anak ko na galit na galit sa akin dahil hindi siya sinali ng teacher nya sa foundation day DAHIL? HINDI AKO NAKABAYAD NG UNIFORM FOR THE FOUNDATION DAY!!! Iyon ang sinabi ni teacher sa aking anak at hindi sa akin. Saksi ang aking kaibigan sa pangyayaring iyon. Tinawagan ko ang school at yung oras ding iyon mismo ay inalis ko ang aking anak sa school at di na pinapapasok.

TULOY sa di-pagpansin sa akin ang hipag ng aking kaibigan. Wala akong kamala-malay ang galit nya sa kanyang bayaw ay nabaling na ng tuluyan sa akin.

NAPANSIN ng aking kaibigan ang di namin pagpapansinan kanyang hipag at tinanong nya ako kung bakit? Hindi ko rin alam ang isasagot ko. TINANONG nya ang kanyang hipag...

NAGTATAMPO DAW ITO SA AKIN DAHIL NAGREKLAMO DAW AKO SA SCHOOL AT SINALI KO PA DAW ANG KANYANG ANAK!!!

Ilang ulit ko mang isipin kami na ng anak ko ang nawalan ng school dahil sa issue na gawa ng teacher sumakay pa siya para sa sarili nyang GALIT...

itutuloy





Linggo, Oktubre 26, 2008

Ano nga ba ang tamang pagpapalaki sa iyong anak?

Umuwi ang anak ko sa aming bahay na kita ko sa kanyang mata ang lungkot. Nagtataka ako samantalang kanina lamang ay masaya itong lumabas ng bahay para makipaglaro sa mga kalaro niya. Nang tanungin ko kung bakit ay tahimik lamang itong umiling. Bilang magulang alam may hindi tama sa ikinikilos ng aking anak. Masusi ko pa rin siyang tinanong at sinabi sa kanyang alam kong may dinaramdam siya.

Sinabi niya sa akin na sinaway siya ng nanay ng kanyang kalaro na huwag makipaglaro sa kanyang anak. Ang nanay na kanyang tinutukoy at ako ay may di-pagkakaunawaan. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa aking anak na hindi niya kasalanan ang nangyari. Sa abot ng aking makakaya ay ipinaunawa ko sa kanya na minsan kahit na anong ganda ng ating gustong mangyari minsan di ito nangyayari dahil sa mga bagay na hindi inaasahan o dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa atin.

Alam ko sa kabila ng aking mga paliwanag ay hindi pa rin ito sapat para maintindihan ako ng isang limang taong gulang na bata. Ngunit alam kong isa itong hakbang para sa pagtataguyod ng isang bata upang maging isang mabuting tao.

Ako bilang kanyang magulang ay may mga tanong din sa aking sarili. Ngunit di na mahalaga iyon. Ang alam ko mas madaling magturo sa pamamagitan ng mabuting halimbawa kaysa madalas na pagsasalita.